Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ambag ng mas nakababatang henerasyon sa development ng Pilipinas, sa oath taking ceremony ng mga bagong elected officers ng Liga ng mga Barangay (LNB) at Sangguniang Kabataan (SK) National and Island Representatives sa Malacañang, ngayong araw June 5).
Sabi ng pangulo, bago ang pananaw ng mga kabataan na makakatulong sa political discourse, social debate, at pag-plano ng mga programa at proyekto ng gobyerno para sa susunod na henerasyon.
“The future is going to be technology driven, and that is why the natural instinct of younger people, when it comes to technology, is important. It has to be part of all our thinking. It has to be part of all our planning,” -Pangulong Marcos.
Payo ng Pangulo sa mga kabataan, kung mayroong silang mga ideya o mas magandang pamamaraan, dapat lamang na ipaalam nila ito sa nakatatanda.
“Kung mayroon kayong nakikitang mas magandang pamamaraan, sabihin ninyo. Isigaw ninyo. Iyong mga matatanda, hindi makikinig sa inyo, pero pilitin niyo.,” -Pangulong Marcos.
Sila aniya sa Marcos Administration, patuloy na pakikingan ang hanay ng mga kabataan, lalo’t ang mga ito ang mas maalam sa makabagong panahon, kung saan namamayagpag na ang makabagong teknolohiya.
“Lahat naman pagka may pangyayari na ganyan, sasabihin, kung maganda ang naging resulta, anong masama doon? Kung hindi matagumpay, hindi maganda ang lumabas, hindi bale, sige next, subukan natin ibang bagay, subukan natin ibang sistema,” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan