Pangulong Marcos Jr., nakatakdang bumisita sa Albay ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasado na ang lahat sa nakatakdang pagdating ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lalawigan ng Albay ngayong araw.

Tampok sa pagbisita ng pangulo, ang pamamahagi ng tulong pinansiyal mula sa Office of the President sa mga  magsasaka, at mangingisdang  grabeng naapektuhan ng El Nino sa Bicol.  Ang programa sa lalawigan ng Albay, saklaw nito ang mga lalawigan ng Sorsogon, Albay, at Masbate.  Pangungunahan ng gobernador ang pagtanggap ng tulong pinansiyal mula sa Pangulo. Bawat lalawigan ay tatanggap ng PHP50 milyong pisong tulong pinansiyal mula sa Office of the President.

Bawat beneficiary ay mabibigyan ng PHP10K tulong pinansiyal.  Ang mgabeneficiaries na ito ay  una ng natukoy ng Department of Agriculture.  Ito ang mga nagdeclare ng kanilang pagkalugi bunsod ng sobrang tagtuyot sa kanilang lugar.

Maliban rito, ang Department of Social Welfare and Development o DSWD, Department of Labor and Employment o DOLE,  at Department of Agriculture ay mamamahagi rin ng tulong pinansiyal sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos and Kita Program o AKAP,  Tulong Panghanap buhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD,  at ang Department of Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ay mamahagi ng farm machineries, inputs, at fishing boats.

Samantalang ang Department of Agrarian Reform o DAR ay mamahagi ng Certificate of Land Titles o CLOAs gagawin ito sa  lalawigan ng Camarines Sur. | via Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us