Bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa San Jose de Buenavista sa Antique ngayong hapong (June 27), upang personal na paabutan ng tulong ang mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño sa lugar.
Sabi ng Pangulo, bagamat malayo na ang naabot ng bansa mula nang tahakin nito ang daan tungo sa Bagong Pilipinas marami pa aniyang sektor ang dapat na pagtuunan ng pansin at alalayan.
Pagsisiguro ni Pangulong Marcos, sisikapin ng administrasyon na abutin ang mga liblib na lugar sa bansa upang walang Pilipino ang maiwan o mahuli sa paglalakbay ng lahat tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Ngayong hapon, ilan lamang sa mga ipinamahaging tulong sa Antique ay ang:
*Mga makinarya sa pagsasaka at pangingisda,
*P10, 000 para sa 50 benepisyaryo mula sa Antique, Iloilo, Guimaras, Capiz, at Aklan.
*Bukod pa ito sa P10, 000 mula sa DSWD para sa benepisyaryo nito.
*Limang kilong bigas mula sa Office of the House Speaker
*at ang tig-PhP50 million para sa provincial government ng Antique, Iloilo, Capiz, at Aklan, habang PhP28.4 millon naman para sa Guimaraz.
Kaugnay nito, hiniling ng Pangulo sa mga benepisyaryo ngayong araw na maging matalino at maingat sa paggamit ng mga assistance na ipinagkaloob ng national government, upang mas maraming Pilipino ang makinabang. | ulat ni Racquel Bayan