Inisyu ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Memorandum Circular 53 na layuning palakasin ang health sector ng bansa sa pamamagitan ng pag-adopt sa National Objectives for Health ng Department of Health mula 2023-2028 o NOH 2023-2028.
Ang nasabing Memorandum Circular ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na nakalinya sa Philippine Development Plan 2023-2028 na nakaankla naman sa AmBisyon Natin 2040 ng Marcos Administration.
Sinabi ni Pangulong Marcos na sa ilalim ng inilabas na Memorandum Circular ay magsisilbing medium-term strategy ng Bansa ang National Objectives for Health para mas mapalakas pa ang health sector ng Pilipinas.
Kaugnay nito’y inaatasan din ng Pangulo ang DOH na bumalangkas na ng Plano at guidelines para matiyak na maipapaunawa sa mga stakeholders ang layunin ng NOH 2023-2028 at ma-monitor ang usad nito.
Inaatasan din ng Pangulo ang lahat ng national government agencies, GOCC at LGUs na suportahan ang pagpapatupad ng NOH 2023-2028.| ulat ni Alvin Baltazar