Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga kinauukulang tanggapan ng gobyerno kaugnay sa pinakahuling aktibidad ng Bulkang Kanlaon.
Ito ang siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasabay ng pagtitiyak ng kahandaan ng gobyerno sa pagtugon, sa pangangailangan ng publiko at sa kakailanganin ng sitwasyon.
“Tinitiyak ko na ang ating pamahalaan ay handa at patuloy na nagbibigay ng suporta hanggang makabalik ng ligtas sa kanilang mga tahanan.” —Pangulong Marcos.
Sa kasalukuyan aniya, nasa 170 na pamilya o 796 na katao, ang apektado ng pagputok ng bulkan, na agad inilikas patungo sa evacuation centers.
Nakapamahagi na pamahalaan ng sleeping kits sa La Castillana, habang nasa 13,000 family food packs na ang naka pre-positioned sa Negros Island.
Mayroon pa aniyang karagdagang 40,000 food packs at non-food items na paparating.
Habang naka-standby rin ang air assets ng pamahalaan para sa mabilis na pag responde.
Kaugnay nito, hinikayat ng pangulo ang mga mamamayan na malapit sa bisinidad ng bulkan na manatiling alerto at makipag-tulungan at makinig sa kanilang local officials.
“Ako rin ay nananawagan sa lahat na maging mapag matiyag at iwasan ang 4km radius permanent danger zone. Mangyaring sumunod sa mga payo at tagubilin mula sa mga lokal na otoridad. Maraming salamat at ingat po tayong lahat.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan