Panibagong abiso para sa mga piloto, inilabas ng CAAP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-isyu ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng panibagong Notice to Airmen (NOTAM) ngayong araw.

Ito ay para sa mga flights na may biyaheng malapit sa Taal Volcano, at may vertical limits na 10,000 feet mula sa kalupaan.

Ang latest NOTAM ng CAAP ay epektibo ngayong araw June 10, 2024, 8:39 am, to June 11, 2024, 9:00 am.

Ayon sa CAAP, ang Taal Volcano ay kasalukuyang nasa Alert Level 1 (Low-level Unrest).

Ang mga flight operators ay inaabisuhan na iwasan ang paglipad malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa posibilidad ng sudden at hazardous steam-driven o phreatic eruptions.

Ito ay maaring maglagay sa mga sasakyang panghimpapawid sa balag ng alanganin.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us