Sa kabila ng mahal na bentahan ng luya sa ilang pamilihan, nananatiling mas mababa ang presyo nito sa Kadiwa Store ng Department of Agriculture (DA).
Sa ADC Kadiwa Store sa tanggapan ng DA sa Quezon City, mabenta rin sa mga mamimili hindi lang ang murang bigas kundi pati na rin ang luya.
Nagkakahalaga lang kasi ng ₱180 ang kada kilo ng luya dito sa ADC Kadiwa Store.
Malaki ang diperensya nito kumpara sa ilang palengke kung saan pumapalo na ng ₱280-₱300 na ang kada kilo.
Ang panindang luya dito ay mula sa ani ng mga magsasaka galing Nueva Vizcaya.
Samantala, patuloy pa rin naman ang bentahan ng murang bigas sa Kadiwa Store na mabibili sa halagang ₱29 kada kilo.
Ang Kadiwa center ay bukas hanggang alas-5 ng hapon o hanggang maubos ang suplay. | ulat ni Merry Ann Bastasa