Tiniyak ng Liberal Party na mayroon na silang mga kandidato sa pagka-Senador na isasabak sa 2025 Midterm election.
Sinabi ni Albay Congressman at Liberal Party President Edcel Lagman, may mga listahan na sila ng kanilang kandidato na isasabak sa senatorial election.
Kabilang sa mga kandidato nila ay sina dating Sen. Kiko Pangilinan, dating Senador Bam Aquino at Atty. Chel Diokno.
Maliban sa mga ito ay mayroon pa silang ikinukonsidera pero iaanunsyo na lamang nila sa mga susunod na araw.
Tiniyak na rin ni Lagman na may ginagawa na silang pakikipag-alyansa sa iba pang political parties at mga Party List para sa nalalapit na halalan. | ulat ni Michael Rogas