Party-list solon, hinimok ang pamahalaan na iakyat na sa UN ang mga iligal na aktibidad ng China sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo ang isang resolusyon na humihimok sa gobyerno para iakyat na sa United Nations ang panawagan sa China na itigil ang ilegal na mga hakbang sa West Philippine Sea.

Sa kaniyang House Resolution Number 1766, pinakikilos ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang mag-sponsor ng resolusyon sa United Nations General Assembly para patigilin ang China sa paglabag sa batas.

Alinsunod aniya ito sa UNCLOS at 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration.

“The landmark decision of the Permanent Court of Arbitration in Case No. 2013-19, known as Republic of the Philippines vs. People’s Republic of China, conclusively invalidated the Chinese government’s expansive claims under the so-called “ninedash line,” declaring such to be incompatible with the provisions of the UNCLOS, thus upholding the Philippines’ sovereign rights over its EEZ and continental shelf in the WPS,” ani Tulfo sa resolusyon.

Sa kabila kasi aniya ng pagkapanalo natin sa Arbitral Ruling ay patuloy ang pagiging agresibo ng China sa loob mismo ng ating teritoryo.

Kabilang dito ang pagbomba ng water cannon sa mga barko ng Philippine Coast Guard at pag-atas sa Chinese Coast Guard na hulihin at ikulong ang mga dayuhang “trespasser” sa WPS nang walang paglilitis.

Dagdag pa ni Tulfo, ang naturang resolusyon ay base na rin sa naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na idaan sa dayalogo at diplomasya ang pagresolba sa isyu sa WPS.

Kaya naman dapat lang aniya na igiit ng DFA ang karapatan ng Pilipinas sa WPS at palakasin ang diplomatic efforts upang makakuha ng suporta mula sa international community laban sa mga gawain ng China. | ulat mi Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us