Nagpahayag ng suporta si Kabayan Party-list Rep. Ron Salo sa panawagan ng Fisherfolk Council of Leaders na sertipikahan bilang urgent ang panukala na magtatatag ng Department of Fisheries and Aquatic Resources (DFAR).
Ito’y matapos aprubahan ng Fisherfolk Council of Leaders ang isang resolusyon para hingin kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing prayoridad ang House Bill 1977 na bubuo sa DFAR ay pangunahing iniakada ni Salo.
Naniniwala ang mambabatas na kung maisabatas ito ay malaking tulong ito sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga mangingisda na makatutulong sa ating food security.
Sabi la ng mababataz na ang pagsuporta sa panawaganv ito ay pagkilala sa ambagng oangingisda aa ekonomiyang bansa.
Tinukoy nito n pang walo ang Pilipinaz aa buong mundo pagdating sa fish production na nasa 4.26 million metric tona noong 2023.
Nakatakdang ipadala ng Fisherfolk Council ang nayurang liham sa Office of the President, Senado at Kamara. | ulat ni Kathleen Forbes