Party-list solon, nanawagan sa mga host countries na siguruhin ang seguridad ng mga Filipino seafarers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaapela si OFW Party-list Representative Marissa ‘Del Mar’ Magsino para sa mas pinaigting na proteksyon para sa mga Pilipinong mandaragat.

Giit niya sa mga bansang kumukuha ng mga Filipino seafarer na paigtingin ang seguridad sa kanilang mga vessels.

Mungkahi nito na kung maari ay mayroon kasamang patrol boats ang mga manlalayag upang maiwasan ang sakuna habang nasa kanilang poder ang ating mga manggagawa.

Suportado rin ng lady solon ang plano ng Department of Migrant Workers (DMW) na pansamantalang magpatupad ng “ban” sa mga Pinoy sailor na sumakay sa mga barko na dadaan sa high-risk o warlike zones salig na rin sa pagtatalaga ng International Bargaining Forum (IBF).

“We should study this as an option, together with the maritime industry stakeholders. If this will make the ship owners doubly cautious and more mindful of the safety of their crew, then we will support a temporary ban,” giit ni Magsino.

Sa ngayon hinihintay pa rin ng mambabatas na tuluyang maging ganap na batas ang Magna Carta of Filipino Seafarer na naghihintay na lang ng lagda ng Pangulo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us