Party-list solon, suportado ang pagkakasama ng mga buntis at lactating mom sa 4Ps

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni 4Ps Party-list Representative JC Abalos ang hakbang ng pamahalaan na palawakin ang makaka benepisyo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kung saan isasama na ang mga buntis at nagpapasuso.

Ayon kay Abalos, mahalaga na maibigay ang tamang nutrisyon sa bata habang nasa sinapupunan pa lang

Mapapalakas din aniya nito ang First 1,000 days Law ng pamahalaan upang hindi naman masayang ang inilalaang pondo ng cash grants.

Welcome din kay Abalos ang plano ng pamahalaan, na aralin ang pagrepaso sa halaga ng 4Ps upang maiakma sa kasalukuyang halaga ng mga bilihin at serbisyo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us