Umaasa si CIBAC Party-List Representative Bro. Eddie Villanueva na makakuha ng suporta mula sa bagong kalihim ng Department of Education (DepEd) ang kanyang mungkahi na ipaskil o i-display sa lahat ng paaralan sa bansa ang Ten Commandments.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kaniyang iaanunsyo ang magiging bagong education secretary bago matapos ang buwan ng Hunyo.
Sabi ni Villanueva, ang hakbang na ito ay makakatulong upang malinang ang spiritual at moral well-being ng mga kabataan.
“I will propose to the new DepEd Secretary the posting of the Ten Commandments in our schools in order to promote the spiritual and moral well-being of the Filipino youth as mandated by the Constitution. This is a fitting initiative for schools as complementary institution of the church in strengthening the moral fiber of our youth. I hope the incoming DepEd head will support it,” sani Villanueva.
Nakasaad din aniya sa Bibliya, na kung maaga maituro sa mga kabataan ang foundational values ng pagiging God-centered ay makatao at isasabuhay nila ito hanggang sa kanilang pagtanda.
Punto pa niya, na hindi eksklusibo sa mga Kristiyano ang aral ng 10 utos dahil kinikilala itong gabay ng ibang pananampalataya sa paghubog ng mabuting mamamayan.
Plano ng mambabatas na maghain ng panukala para ito ay maging ganap na batas gaya ng ginawa sa Louisiana sa Estados Unidos. | ulat ni Kathleen Forbes