Party-list solon, sang-ayon sa kapwa mambabatas na gawing 24/7 ang operasyon ng public infrastructure projects

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayon kay Yamsuan, layon ng House Bill 9665 na i-promote ang episyenteng pagpapatupad ng mga infra projects at maiwasan productivity lost ng mga commuters at motorista. 

Diin ng mambabatas, dapat gayahin ng Pilipinas ang iba pang mga bansa na na 24/7 ang kanilang construction ng mga kalsada ay tulay.

Ang House Bill 9666 ay binalangkas nila Rep. Tulfo at iba pang kongresistang na naglalayong gawing requirement ang pagtatrabaho 24 hours a day, seven days a week ang public infrastructure projects.

Dagdag ng lawmaker, mababawasan ang trapiko kapag walang pagkakaantala ng mga proyektong pang imprastruktura.

Iminamandato rin ng panukalang batas na magsagawa ang mga implementing agencies ng environmental impact assessment sa infrastructure projects; at ipatupad ang health and safety standards para protektahan ang kapakanan ng mga mangagawa.| ulat ni Melany V. Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us