Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mambabatas na bago matapos ang taong ito, maipasa na ang mga priority bills ng administrasyon.
“To our fellow workers in both houses of Congress, I implore that before the year ends, that laws which are more inclusive, responsive, and people-centered to be passed. And we are deep in discussion about that.” — Pangulong Marcos.
Kabilang dito ang:
- Anti-Financial Accounts Scamming Act (AFASA)
- Panukala para sa Natural Gas Industry
- Panukala para sa VAT on Digital Services
- Open Access in Data Transmission Act, at iba pa.
Sa signing ceremony ng Negros Island Region Act at Real Property Valuation and Assessment Reform Act, sinabi ng Pangulo na hinihintay na ng mga Pilipino na maging batas ang mga panukala na nakatuon sa interes ng publiko at sisiguro na walang sinuman ang maiiwan habang umuunlad ang bansa.
“Our people are eagerly awaiting the passage of the 17 priority bills certified by LEDAC, which we will be discussing very very soon, which if passed and enacted will steer our national development and improve the conditions of our fellow countrymen.” — Pangulong Marcos.
Hinikayat rin ng Pangulo ang lahat para sa patuloy na kolaborasyon at pagtutulungan para sa pagkakaroon ng isang ekonomiyang nakikipagsabayan sa buong mundo at para sa pagkakaroon ng isang matatag na Bagong Pilipinas.
“Let’s continue to collaborate and work closely on these matters. With the vision of a New Philippines and the cooperation of every Bagong Pilipino, I am confident we will achieve inclusive growth, a resilient society, and a globally competitive economy.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan