Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Megaworld Corp. sa pagiging tunay na kabalikat ng gobyerno sa nation building.
Ayon sa Pangulo, maliban sa ambag nito sa turismo at ekonomiya, bubuksan din nito ang may 20,000 trabaho para sa mga Pilipino.
Ito ang mensahe ng punong ehekutibo sa kanyang pagdalo sa inagurasyon ng pinakamalaking hotel sa bansa, ang Grand Westside Hotel.
Aniya, malaking tulong ang hotel para mas lalong sumikat ang Entertainment City.
Ipinamalas din ng Pangulo ang kanyang excitement sa itatayong Grand Opera House ng Alliance Group.
Dumalo rin sa naturang event si House Speaker Martin Romualdez, Tourism Sec. Christina Frasco, Trade Sec. Fred Pascual at iba pang opisyal. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes