PBBM, tiniyak na di pababayaan ng pamahalaan ang mga magsasaka, mangingisdang naapektuhan ng tagtuyot dulot ng El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pababayaan ng gobyerno ang mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng matinding tagtuyot dulot na hatid ng El Niño.

Pagtiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., magtutulungan ang local at national government upang maipaabot ng mabilis ang kailangang ayuda para sa mga naapektuhang mangingisda at magsasaka.

Sandigan ng bayan ayon sa Pangulo ang mangingisda at magsasaka kayat walang dahilan para pabayaan sila ng pamahalaan.

Sa Davao Region, base sa datos na ipinresenta ng Pangulo ay mahigit 1,000 pamilya sa 16 na barangay sa rehiyon ang grabeng naapektuhan ng El Niño.

Masakit, sabi ng Pangulo, na masaksihan na unti-unting namamatay ang mga pananim at natutuyo ang mga palaisdaan at apektado dito ang mga mangingisda at magsasaka na tiniyak naman niyang aalalayan ng pamahalaan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us