PCSO, itinanggi ang mga paratang laban sa ilang matataas na opisyal ng ahensya kaugnay sa umano’y katiwalian sa e-lotto agreement

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing itinanggi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga paratang ng katiwalian at pandarambong na inihain laban sa ilang matataas na opisyal ng ahensya.

Ito ay kasunod ng reklamong inihain ng grupong FPJPM sa Office of the Ombudsman na may kaugnayan sa e-lotto agreement ng PCSO sa isang pribadong kumpanya.

Sa isang panayam, ipinaliwanag ni PCSO General Manager Mel Robles na ang mga betting platform ng ahensya kabilang ang e-lotto ay inaprubahan ng Office of the President noong 2021.

Dagdag pa ni GM Robles, na ang pagsasagawa ng e-lotto ay alinsunod sa payo ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC), na statutory counsel ng PCSO.

Ayon sa OGCC, ang Memorandum of Agreement na may petsang August 30, 2023 sa Pacific Online System Corporation ay legal.

Nilinaw din ni GM Robles na ang e-lotto ay isang hakbang ng PCSO Board upang mapalawak ang merkado para sa mga laro ng PCSO gamit ang online at digital betting platforms.

Layon nitong mapataas ang kita ng ahensya upang mas maraming Pilipino ang matulungan.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng PCSO ang pagsasampa ng mga reklamo sa mga nasa likod ng umano’y smear campaign laban sa ahensya at mga opisyal nito. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us