Umakyat ng 3.1% o 2.86-billion USD para sa buwan ng Abril ang personal remittance ng overseas Filipino workers (OFWs).
Mataas ito kumpara sa 2.77-billion US dollars na naitala ng parehas na buwan ng 2023.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ito ay mula sa land-based na mangaggawa na may kontrata sa trabaho ng isang taon o higit pa at mga sea and land-based workers na wala pang isang taong kontrata.
Tumaas ng 2.8% ang pinagsama samang personal remiitances sa 12.01-billion US dollar mula January to April 2024 mula sa 11.63-billion US dollars noong 2023.
Ang paglago sa cash remittance ay mula sa United States, Saudi Arabia, at Singapore. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes