Pertussis outbreak, naitala sa mga residente ng Sitio Kapihan, Sering, Socorro, Surigao Del Norte.
Agad naman itong tinugunan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga at ipinadala sa lugar ang Social Welfare and Development (SWAD) upang magbigay tulong sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.
Apat na put anim (46) na mga residente ang nabigyan ng tulong pinansiyal kung saan ay umaabot sa kabuuang Php112,064.60 pondo ang naipamahagi ng DSWD Caraga.
Nagkaroon rin ng medical consultation ang Siargao Island Medical Center para mabigyan ng gamot at matulungan ang apektado ng outbreak.
Sa kabuuan, nabenipisyuhan ng nga residente ang tulong medikal, transportasyon, at pagkain.
Patuloy namang imo monitor ang sitwasyon sa nasabing lugar nang masiguro na kontrolado at napigilan ang paglaganap ng pertusis outbreak.| ulat ni Jocelyn Morano| RP1 Butuan