Ikinatuwa ni Finance Secretary Ralph Recto ang digitalization initiatives sa ilalim ng Philippine Public Financial Management (PFM) Reforms Roadmap 2024-2028.
Layon nitong mahusay at epektibong paghahatid ng serbisyo ng gobyerno para sa mga Pilipino.
Pinasalamatan din ng kalihim ang Asian Development Bank o ADB sa pagtulong sa gobyerno ng Pilipinas sa pagbuo ng PFM Roadmap.
Anya Ito ay magsisilbing strategic blueprint ng bansa na magbibigay-daan sa isang ganap na digitalized, episyente, at transparent na public financial management system upang mas maging epektibo at mas mabilis ang serbisy gobyerno para sa mamamayang Pilipino.
Kamakailan nagpulong ang PFM committee principal na sina Budget Secretary Amenah Pangandaman at Sec. Recto upang talakayin ang progreso ng Roadmap, gayundin ang mga update sa Conduct of the Public Expenditure and Financial Accountability. | ulat ni Melany V. Reyes