Tumaas ang naobserbahang gas output o ang ibinubugang asupre (sulfur dioxide) sa Taal Volcano sa nakalipas na 24-oras.
Batay sa monitoring ng PHIVOLCS, ay umakyat sa 11,072 tonelada ang sulfur dioxide (SO2) gas na ibinuga ng bulkan hanggang kaninang hatinggabi.
Dahil dito, naiulat ang haze sa ilang lugar sa Batangas gaya ng Alitagtag, Tingloy, San Nicolas, Laurel, Taysan, Lobo at Batangas City maging sa Agoncillo, Lemery, Taal, Santa Teresita, Alitagtag, Cuenca, Lipa, Balete, at Malvar.
Ayon sa PHIVOLCS, posible rin ang vog formation sa Taal ngayong weekend.
Kaugnay nito, muling nagbabala ang PHIVOLCS sa mga residente malapit sa Taal, partikular na sa banta ng volcanic smog sa Taal Volcano na maaaring magdulot ng iritasyon kung magkakaroon ng mataas na exposure rito.
Dahil dito, patuloy na pinapayuhan ang mga residente malapit sa bulkan na limitahan muna ang paglabas at palagiang isara ang pinto at bintana upang hindi ma-expose sa volcanic smog.
Hinikayat din ang mga itong takpan ang ilong at magsuot ng N95 face mask.
Nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 1 sa Taal Volcano. | ulat ni Merry Ann Bastasa