Inihalal ng Board ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang bago nitong Postmaster General at CEO sa katauhan ng kanilang Chairman na si Mike Planas.
Ang isinagawang paghalal sa bagong Postmaster General at CEO ay isinagawa noong June 18 bilang bahagi ng taunang halalan ng board.
Bilang Postmaster General at CEO, layunin ni Chairman Planas na gawing moderno ang mga operasyon ng PHLPost, kabilang ang digital at cultural transformation at muling pagpapasigla ng mga serbisyo sa network nito na kinabibilangan ng higit sa 1,200 post offices sa buong bansa na ayon kay Planas ay maaaring magamit upang maabot pa ang mga malalayong lugar na hindi naabot ng mga commercial courrier.
Kabilang din sa plano ni Planas ang pag-develop ng mga bagong product line at pakikipag-partner sa mga e-commerce hub para matugunan ang nagbabagong pangangailangan ng mga Pilipino.
Kilala si Planas sa kanyang karera bilang pagiging Konsehal sa Lungsod ng Quezon at consultant sa United Nations Food and Agriculture Organization.
Siya rin ang kasalukuyang Presidente ng Rotary Club ng Quezon City Circle at Chairman ng Quezon City Councilors Foundation Inc. (QCCFI). | ulat ni EJ Lazaro