Pilipinas at Indonesia, nagsagawa ng Joint Defense and Security Coordination Meeting

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangasiwaan ng Department of National Defense (DND) ang ginanap na 13th Philippines-Indonesia Joint Defense and Security Cooperation Committee (JDSCC) Meeting sa Makati City.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni DND Undersecretary for Capability Assessment and Development Angelito De Leon at Indonesia Director General for Defense Strategy Major General Ujang Darwis.

Sa kanyang pambungad na mensahe, pinahalagahan ni Usec. De Leon ang pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng matatag na diplomatic relations ng Pilipinas at Indonesia.

Muli rin nitong tiniyak ang commitment ng bansa na maisakatuparan ang mga nakasaad sa 1997 Philippines-Indonesia Agreement on Cooperative Activities in the Field of Defense and Security.

Ipinangako naman ni Major General Darwis, na higit pa nilang palalakasin ang border security at defense cooperation sa pagitan ng mga kaalyadong bansa gaya ng Pilipinas.  | ulat ni Leo Sarne

📸: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us