Mas nakababahala ngayon ang nararanasang external threat na aniya’y mas kapansin-pansin kaya’t dapat paghandaan.
Ito ang bahagi ng naging mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang naging pagbisita sa tropa ng 5th Infantry Division ng Philippine Army sa Gamu, Isabela.
Sinabi ng Pangulo na dahil na din sa malapit ang Pilipinas sa Taiwan ay hindi talaga malayong magkaroon ng interes ang China sa bansa.
Kaya sabi ng Pangulo, bukod sa reorientation ay kailangang mas maging matatag ang commitment ng liderato ng bansa upang ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas.
Dahil nga dito, paliwanag ng Pangulo kaya ipinasya ng pamahalaan na isama ang Cagayan na maging isa sa mga EDCA sites at magkaroon ng collaboration sa US na siyang closest military ally ng Pilipinas.
Muli ring binigyang-diin ng Chief Executive na hindi kailanman papayag ang Pilipinas na makuha ang kahit ga-pulgada na pag- aaring teritoryo nito ng ibang bansa. | ulat ni Alvin Baltazar