Mahalaga na makakuha na ngayon ng suporta ang Pilipinas mula sa mga miyembro ng United Nations upang masolusyunan ang agression ng China laban sa Pilipinas sa loob mismo ng ating teritoryo.
Naniniwala si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na dahil miyembro rin ng UN ang China ay magiging numbers game ito.
Kaya ngayon pa lang aniya, dapat ang ating DFA at Permanent Ambassador to UN ay kausapin ang mga miyembro ng UN at ipaliwanag na bahagi ito ng ating teritoryo upang makakuha ng boto.
Matatandaan na naghain ng resolusyon ang mambabatas para himukin ang gobyerno ng Pilipinas na iakyat na sa United Nations General Assembly ang usapin ng patuloy na pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea at ipatigil ang mga iligal nitong gawain.
“Kaya kailangan yung ating DFA, yung ating ambasador, start talking to each member of the UN at ipresenta niya na ito, in-award na sa atin ng Tribunal pero hindi naman ginagalang ng China. We have to get the sympathy of many members of the United Nations General Assembly,” ani Tulfo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes