Welcome sa National Security Council (NSC) ang pahayag ng mga bansang kasapi ng G7 sa pagkondena at pag kontra sa tangkang baguhin ang “status quo” sa South China Sea.
Kabilang dito ang dangerous maneuver at paggamit ng water cannon ng China laban sa mga barko ng Pilipinas.
Ayon kay National Security Adviser Secretary Eduardo Año, walang legal na basehan ang “expansive maritime claims” ng China.
Kaisa aniya ng G7 ang Pilipinas sa pagkontra sa militarisasyon at intimidasyon na ginagawa ng China sa rehiyon.
Patuloy itong makikipagtulungan sa international community sa pagtiyak ng peace, stability, at security sa karagatan.
Ang G7 ay binubuo ng Canada, France, Germany, Italy, Japan, United Kingdom at Amerika.| ulat ni Rey Ferrer