Iniulat ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na naging matagumpay ang huling resupply Mission sa BRP Sierra Madre sa Ayunging Shoal.
Wala rin daw nangyaring tangkang agawin ang mga inahatid suplay katulad ng nangyari noong nakaraan.
Bagamat hindi nagbigay ng detalye si Gen. Brawner, kanyang sinabi na maraming options ang maaring pagpilian ng AFP para masiguro na makarating sa mga tropang nagbabantay sa lugar ang kanilang mga kailangang suplay.
Giit pa ng heneral, hindi matitinag ang AFP sa pagsasagawa ng regular na Rotation and Resupply Mission sa mga tropang nagbabantay sa iba’t ibang outpost ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Muli ding tiniyak ng heneral ang paninindigan ng AFP na itaguyod ang karapatan at protektahan ang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea. | ulat ni Leo Sarne