Sa ikatlong pagkakataon, naramdaman ang pinakamainit na panahon sa Guiuan, Eastern Samar ngayong araw.
Base sa highest heat index na inilabas ng PAGASA kaninang hapon, pumalo sa 54°C na heat index sa Guiuan na maituturing nang “extreme danger” level.
Noong Mayo 26, naitala ang 55°C ang heat index sa nasabing lalawigan at 53°C noong Mayo a-30.
Samantala, naitala naman ang 48°C heat index sa Infanta Quezon, at 47°C sa Baler (Radar), Aurora at 38 iba pang lalawigan na maituturing na nasa “danger” level.
Naranasan din ang mainit na panahon sa NAIA sa Pasay City na umabot sa 46°C ang heat index at 43°C naman sa Science Garden sa Quezon City.
Bukas, asahan pa ang mainit na panahon sa Guiuan, Eastern Samar na tinatayang aabot sa 50°C gayundin sa iba pang lalawigan sa bansa.| ulat ni Rey Ferrer