Pinataas na financial assistance para sa mga nagpapa-dialysis, pinuri ni Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaabot ni House of Relresentatives Speaker Martin Romualdez sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kaniyang pasasalamat matapos aprubahan ng PhilHealth Board ang mas mataas na financial assistance para sa mga dialysis patient.

Batay sa anunsyo ng PhilHealth mula sa kasalukuyang ₱2,600 ay itinaas na ito sa ₱4,000.

Ayon kay Romualdez, malaking tulong ito upang mapagaan ang pasaning pang pinansyal ng nasa isang milyong dialysis patient at kanilang pamilya.

“With the increased assistance, they will no longer have to augment the amount they spend for this procedure, even in private health facilities,” sabi niya.

Giit pa ng House leader na ang hakbang na ito ay pagsuporta sa hangarin ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at ng Universal Health Care Law na makapagbigay ng libreng serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.

Paalala naman ni Romualdez na hindi gamot ang dialysis bagkus ay pahahabain lang ang buhay ng isang indibidwal na may sakit sa bato at iba pang kaakibat nitong sakit.

“We appeal to concerned patients to have these basic ailments checked and treated, like diabetes and hypertension, before they lead to kidney problems that require dialysis. They can of course avail themselves of Philhealth benefit packages for these illnesses,” diin niya.

Apela naman ni Romualdez sa PhilHealth na ilibre na rin ang iba pang health services gaya ng laboratory at mammogram. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us