Planong pag-blacklist sa ilang importer ng isda, suportado ng BFAR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang plano ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na tuluyan nang i-blacklist ang ilang mapagsamantalang importer sa bansa.

Batay sa inisyal na impormasyon mula kay Sec. Tiu-Laurel, apat na kumpanya ang iba-blacklist nito kasama ang dalawang importer ng isda.

Ayon kay BFAR Spokesperson Nazario Briguera, matagal nang polisiya ng ahensya na labanan ang pagpupuslit ng mga smuggled na isda lalo’t nakakaapekto ito sa presyuhan sa merkado.

Nalalagay rin aniya sa alanganin ang kaligtasan ng consumers pagdating sa mga smuggled na produkto dahil hindi ito dumaan sa tamang regulatory requirements.

Dagdag pa ni Briguera, kapag nagiging kakompetensya sa merkado ang smuggled products, ikinalulugi ito ng mga mangingisda.

Kaya mahalaga aniya na anumang produktong bumaba sa merkado ay matityak na dumaan sa masusing proseso lalo na kung ito ay imported. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us