Posibleng magamit sa nalalapit na 2025 midterm elections ang pondo mula sa ilegal na operasyon ng mga POGO o Philippine Offshore Gaming Operation.
Sa pulong balitaan ni Department of Interior & Local Govt Sec. Benhur Abalos sa Kampo Crame sinabi nitong may posibilidad na magamit ang illegal POGO money para pondohan ang kampanya ng mga “narcopolitician.”
Ito aniya ang dahilan sa babala ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa kapulisan, na mananagot at mapaparusan ang sinuman sa kanilang hanay na protektor o sangkot sa ilegal na POGO.
Matatandaang pinaigting din ng Pambansang pulisya ang kampanya kontra illegal na operasyon ng POGO.
Una naring nagpahayag ng pakabahala ang Commission on Elections dahil sa posibilidad na maimpluwensyahan ng mga sindikato sa POGO ang mga politiko sa pamamagitan ng pagbubuhos ng malaking pera sa kanilang kampanya. | ulat ni Leo Sarne