Isang manager ng na-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga ang napigilan ng mga awtoridad na makalabas ng bansa ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Sa pulong balitaan sa Pampanga ngayong araw, sinabi ng PAOCC na ang naharang ay isang babaeng Chinese national na itinuturing na isa saga persons of interest sa kaso ng Lucky South 99 POGO hub.
Napigilan ito sa Davao Airport kagabi at sa ngayon ay pabalik na ito sa Bicutan para ma-interview at maimbestigahan.
Paliwanag ni PAOCC Spokesperson Winston Casio, naglabas na sila ng alert order sa Bureau of Immigration ng mga persons of interest na may kaugnayan sa Porac POGO hub.
Sa kasalukuyan, tanging ang mga personalidad na iniuugnay sa Bamban, Tarlac POGO ang prinoproseso ng DOJ na malabasan ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO).
Habang immigration alert pa lang ang meron para sa mga persons of interest sa Lucky South 99 POGO hub.| ulat ni Nimfa Asuncion