Magsasagawa ng feasibility study ang Zip Infrastructure Co. Ltd. upang pag-aralan ang posibilidad ng paggamit ng self-driving cable cars sa Baguio City.
Ito ay matapos na lumagda sa Memorandum of Understanding ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Zip Infrastructure para magsasagawa pag-aaral sa operasyon at maintenance ng kanilang self-driven cable car system.
Ang makabagong sistemang transportasyon ay tinatawag na Zippar, ay posibleng i-install sa loob ng Camp John Hay. Ito ay may versatile design na pinapagana mula sa isang control center.
Layon nitong magbigay ng alternatibong transportasyon na makakatulong sa pagpapagaan ng trapiko at pagbibigay ng mas maayos na accessibility at mobility sa lungsod.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ang Zippar ay maaaring maging game-changer para sa urban public transport at isang modelo ng environment-friendly na transportasyon.
Gayunpaman, kailangan muna nilang magsagawa ng feasibility study upang matukoy ang posibilidad ng paggamit nito sa isang mataas na congested na metropolis.| ulat ni Diane Lear