Pransya, nagpahayag ng seryosong pagkabahala sa sitwasyon sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinegundahan ng Pransya ang pagtuligsa ng Estados Unidos sa nangyaring insidente kahapon sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang pahayag na inilabas ng French Embassy sa Manila, nagpahayag ng pagkabahala ang Pransya sa insidente na kinasangkutan ng sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Ito’y kasunod ng ulat na lumabas sa Chinese media na nagkaroon ng banggaan kahapon ng umaga sa pagitan ng Chinese Coast Guard vessel at resupply vessel ng Pilipinas sa bisinidad ng Ayungin Shoal.

Muling nanawagan ang Pransya na respetuhin ang United Nations Convention on the Law of the Sea at Freedom of Navigation.

Nagpahayag ng pagtutol ang Pransya sa paggamit ng pwersa na kontra sa international law, kasabay ng pagpapaalala sa kahalagahan ng pagresolba sa mga alitan sa pamamagitan ng diyalogo.

Kinatigan din ng Pransya ang desisyon ng Arbitral Court noong Hulyo 12, 2016 na kumilala sa karapatan ng Pilipinas sa kanyang Exclusive Economic Zone. | ulat ni Leo Sarne

📸: AFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us