PRC, rumesponde sa mga pasahero ng nasunog na fishing boat sa Naga City sa Cebu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umalalay ang mga tauhan ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga pasahero ng nasunog na bangkang pangisda sa karagatang sakop ng Naga City sa Cebu nitong Miyerkules ng gabi.

Agad nagpadala ng ambulansya na may limang tauhan ang PRC Cebu Chapter matapos makatanggap ito ng ulat mula sa kanilang Operations Cener gayundin sa kanilang Red Cross 143 volunteers sa ground.

Nagbigay ang mga ito ng agarang pre-hospital treatment gayundin ay ang ambulance transport sa mga nasugatang pasahero habang naglaan din ito ng cadaver bags para sa mga nasawi.

Nabatid na anim ang nasawi sa nangyaring sunog habang may lima ang naitalang sugatan kung saan, isa rito ay nasa kritikal na kondisyon.

Tiniyak naman ni PRC Chair at CEO Richard Gordon sa pamilya ng mga biktima ang mahigpit na ugnayan nila sa Philippine Coast Guard (PRC) gayundin sa City Disaster Risk Reduction and Management Office para sa pag-aabot ng karagdagang tulong.

Hinikayat naman ni Gordon ang lahat na maging laging mapagbantay sa lahat ng oras lalo na kung sila’y maglalakbay mapa-lupa o sa karagatan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us