Makakaasa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ibibigay ng pamahalaan ang kakailanganing pagsasanay, resources, at kagamitan para paigtingin ang kanilang hanay.
Sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 10th Infantry Division sa Mawab, Davao de Oro noong June 6, sinabi nito na batid naman ng lahat na nabawasan na ang panloob na banta na kinahaharap ng bansa.
Dahil dito, panahon na aniya upang isaalang-alang na rin ang pagtugon sa external threat sa Pilipinas.
Sinabi ni Pangulong Marcos, ibang istratehiya na ang kailangan sa usaping ito.
“Now, I am sure that all of you are aware now that the internal threat has been reduced. We now have to also think about the external threat and that again is a different strategy that we will have to employ,” ani Pangulong Marcos.
Pagsisiguro ng Pangulo na sila sa civilian government, ay gagawin ang lahat ng kanilang makakaya, upang tiyakin na nasusuportahan ang hanay ng AFP.
“But we in the civilian government and together with the military commanders are doing all that we can to make sure that our men and women [in military] are completely capacitated,” pahayag ng Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan