Bahagyang tumaas ang presyo ng baka na kadalasang inihahain at pinagsasaluhan ng mga kapatid na Muslim tuwing panahon ng Eid’l Adha.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Pasig City Mega Market, tumaas ng ₱10 hanggang ₱20 ang kada kilo ng karne ng baka na nasa ₱430 na ang kada kilo.
Nananatili namang matatag ang presyo ng iba pang karne gaya ng sa manok na nasa ₱180 ang kada kilo, habang ang baboy naman ay nasa ₱320 sa kasim at ₱380 sa liempo.
Samantala, wala namang paggalaw sa presyo ng luya na nasa ₱280 ang kada kilo habang nananatiling mahal din ang presyo ng ampalaya na nasa ₱120.
Nananatili ring mahal ang presyo ng bawang na nasa ₱160 ang kada kilo, sibuyas na nasa ₱90 ang kada kilo, habang ang kamatis ay nasa ₱80 ang kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala