Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbaba sa wholesale price ng bigas nitong Mayo.
Ayon sa PSA, nagkaroon ng tapyas sa preyso ng well-milled pati na ng premium at special rice noong nakaraang buwan.
Nasa halos piso ang ibinaba sa bentahan ng special rice na mula sa ₱55.27 noong Abril ay bumaba na sa ₱54.78 nitong Mayo.
Bumaba rin sa ₱53.43 ang kada kilo ng premium rice mula sa ₱53.93 na kada kilong bentahan nito noong Abril.
Bumaba rin sa ₱50.31 kada kilo ang average wholeprice ng well milled rice.
Batay naman sa Bantay Presyo ng Department of Agriculture (DA), nasa ₱45 ang pinakamababang presyo para sa regular milled rice, ₱48 ang kada kilo ng well milled rice, nasa ₱51 naman ang premium rice habang ₱56 ang kada kilo ng special rice.
Una na ring tiniyak ng DA na pagsisikapan nito na makapagbenta ng bigas na mas mababa sa ₱30 kada kilo ang presyo sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto. | ulat ni Merry Ann Bastasa