Presyo ng itlog sa Marikina Public Market, nakitaan ng pagtaas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa ₱5 hanggang ₱20 ang itinaas sa presyo ng itlog sa Marikina Public Market.

Ayon sa mga nagtitinda, ito ay dahil sa maraming maliliit na may-ari ng poultry sa lalawigan ng Batangas ang pansamantang tumigil sa pagde-deliver ng itlog bunsod ng matumal na suplay.

Kung dati ay nakapagbebenta pa sila ng ₱4 kada piraso ng small size na itlog, ngayon ay balik na ito sa ₱5 kada piraso habang ang medium size naman ay nasa ₱6.50 habang ang large ay nasa ₱8, at ang extra large ay ₱10.

Paliwanag nila, malaki ang naging epekto ng matinding tag-init nitong nakalipas na mga buwan kaya naman tumumal ang produksyon ng itlog.

Kaya naman ang ilan ay napilitang humango sa Rizal na mas mataas ang farm gate price kumpara sa Batangas na madalas nilang kinukuhanan ng suplay.

Samantala, sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas ay nakitaan ang bahagyang pagbaba sa presyo ng Luya.

Kung dati ay pumapalo sa ₱300 haggang ₱400 ang kada kilo ng Luya, ngayon ay naglalaro na lamang ito sa ₱280 hanggang ₱290 ang kada kilo.

Bumaba rin ang presyo ng Talong na nasa ₱90 ang kada kilo gayundin ng Kamatis, habang nananatiling mataas naman ang presyo ng iba pang gulay dito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us