Presyo ng manok sa Agora Public Market sa San Juan City, nananatiling matatag

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling matatag ang presyuhan ng manok sa Agora Public Market sa San Juan City.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, naglalaro sa ₱180 ang kada kilo sa whole chicken, habang ₱200 ang kada kilo ng choice cuts.

Ayon sa mga nagtitinda, bagaman tumaas pa ang presyo ng baboy, hindi pa rin nila ganoong ramdam ang pagtaas ng demand sa manok.

May ilan kasi na pinipiling bumili ng isda o gulay depende sa kung ano ang mas mura.

Gayunman, kung mga imported ang pag-uusapan ay mas pinipili pa rin naman ang mga bagong katay na manok dahil sariwa ito.

Batay naman sa monitoring ng Department of Agriculture (DA) naglalaro ang retail pice ng manok sa pagitan ng ₱160 at ₱220 ang kada kilo.

Nabatid na ayon sa United Broilers Raisers Association (UBRA) marami umanong lumilipat sa manok dahil sa sobrang mahal ng presyo ng baboy sa mga pamilihan.

Ayon sa UBRA, maliban dito ay mas pinipili ring ipamalit ng mga Pinoy ang manok sa kanilang handaan kapag mayroong mahahalagang okasyon gaya ng graduation o pistahan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us