Presyo ng manok sa Kalentong Public Market sa Mandaluyong City, nananatiling mataas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling mataas ang presyo ng manok sa Kalentong Public Market sa Mandaluyong City.

Ito’y sa kabila ng pagtaya ng United Broiler Raisers Association (UBRA) hinggil sa inaasahang pagtaas ng demand sa manok dahil sa mahal ding presyo ng karne ng baboy.

Sa pag-iikot ng Radyo PIlipinas, naglalaro sa ₱180 hanggang ₱210 ang presyo ng kada kilo ng whole chicken gayundin sa choice cuts.

Gayunman, mas mura ang “frozen” na mga karne ng manok na naglalaro sa ₱130 hanggang ₱150 ang kada kilo.

Pero ayon sa mga nagtitinda, mas tinatangkilik ng mga may-ari ng karinderya ang mga frozen dahil nakatutulong ito sa kanilang costing.

Subalit kung pang-bahay ang pag-uusapan ay mas tinatangkilik anila ng ilang mamimili ang sariwang karne ng manok.

Samantala, ang presyo naman ng baboy sa Kalentong Public Market ay naglalaro pa rin sa ₱320 ang presyo sa kasim sa kada kilo, habang nasa ₱380 naman ang presyo ng kada kilo ng liempo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us