Nakatutok na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa nararanasan ngayong oversupply ng bangus sa Pangasinan.
Sa QC Journalists Forum, sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera na nagkaroon na sila ng dayalogo sa bangus producers sa lalawigan kung saan inilatag na rin ang inisyal na tulong na ilalaan sa kanila
Kabilang dito ang direktang pagugnay sa mga producer sa ilang koopertiba sa Metro Manila para maibenta ang mga sobrang suplay sa merkado.
Tutulong din aniya ang BFAR sa value adding o pagproseso ng mga bangus sa tulong ng kanilang post harvest facility sa Dagupan.
Isa naman sa nakitang rason ng oversupply ang pagdami ng bangus fish cage operators sa lalawigan.
Dahil dito, nakipagugnayan na rin ang BFAR sa LGU para sa posibleng pagpapatupad ng regulatory measures dito. | ulat ni Merry Ann Bastasa