Produksyon ng palay sa 2nd quarter ng 2024, inaasahang bababa — PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang bahagyang bababa ang produksyon ng palay sa bansa mula Abril hanggang Hunyo ng taong ito ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). 

Sa pagtaya ng PSA, maaaring bumaba sa 3.89 milyong metriko tonelada ang tinatayang produksyon ng palay para sa ikalawang quarter ng taon.

 Mas mababa ito ng 8.4%  mula sa aktwal na produksyon na 4.25 milyong metriko tonelada sa parehong panahon ng 2023. 

Ang estimated harvest area mula sa standing crop noong Abril hanggang Hunyo ay inaasahang bababa rin sa 892.40-thousand hectares kumpara sa 960.87-thousand hectares na actual harvested area noong 2023.

Samantala, as of May 1 ay may 568.03-libong ektarya o 63.7% ng updated harvest area ng standing crop ang naani na. 

Ito ay katumbas ng produksyon ng palay na 2.54 milyong metriko tonelada.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us