Kinilala ng Diplomatic Corps ang layo na ng narating ng pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan sa Bangsamoro Region.
Sa Vin d’Honneur sa Malacañang ngayong ika-126 na Araw ng Kalayaan, sinabi ni Papal Nuncio Charles Brown na partikular nitong binanggit ang ika-10 anibersaryo ng paglagda sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro at ang napipintong BARMM parliamentary elections na sumasalamin sa progresong ito.
Sila aniya sa diplomatic corps, buo ang suporta sa mga hakbang na ito.
Sabi ng Papal Nuncio nitong Pebrero, una na rin siyang nakabisita sa Jolo, ang lugar na batid naman aniya ng lahat, na nagdusa dahil sa armed conflict.
Gayunpaman, sa kaniyang pagbisita, personal niyang nakita ang pag-asa sa mata ng mga mamamayan ng Jolo.
“Your Excellency, if you would permit me a personal observation. In February of this year, I had the privilege of visiting Jolo, a place that, as all of us know, suffered grievously during the long years of armed conflict. In my encounters there with civic and religious leaders as well as with ordinary citizens, I can only say that I was overwhelmed by the sense of hope that is present now in the hearts of the people in Jolo.” — Papal Nuncio Charles Brown.
Hinikayat rin ng Papal Nuncio ang lahat na magtulungan upang maisakatuparan ang mga minimithing pag-asa ng mga mamamayan ng Bangsamoro Region.
“In this connection, the international community supports and indeed congratulates the Philippines for the impressive progress that has been made in these years through the Bangsamoro peace process.” — Papal Nuncio Charles Brown. | ulat ni Racquel Bayan