Umaasa ang Philippine Statistics Authority (PSA) na maraming Pilipino ang gagamit na ng national ID sa mga transaksyon.
Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General, pagdami na nang padami ang mga registered individual ang nakakatanggap na ng kanilang Philsys ID.
Pinakahuling datos ng PSA umabot na sa mahigit 50 milyong National ID ang naihatid sa mga registered person at patuloy pa ang pag-iisyu nito ng mga ePhilID.
Pinasalamatan din ni Mapa ang parehong government at private institutions na inuuna ang pagtanggap nito bilang valid proof ng pagkakakilanlan.
Pagtiyak pa ng opisyal ang patuloy na pagsusulong ng mas mahusay na access sa mga serbisyo para sa mga Pilipino.
Hinihikayat pa nito ang mga hindi pa nakakarehistro sa National ID system na maging bahagi ng Makabagong Pilipinas, at tangkilikin ang mas madali at mas mabilis na mga transaksyon.
Hanggang Abril 26, 2024, umabot na sa 50,024,479 na National ID ang naihatid na sa mga registered persons sa buong bansa,habang 45,438,766 naman ang printed ePhilID ang naibigay na rin. | ulat ni Rey Ferrer