Simula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi bukas, Hunyo 30, magpapatupad ng stop-and-go scheme ang Quezon City government sa Elliptical Road sa Commonwealth Avenue at sa harap ng Quezon City Hall.
Sa abiso ng local government unit (LGU), para ito sa gaganaping Love Laban 2 Everyone! Happy Equality: Araw ng Pasasalamat kasama ang LGBTQIA+ community.
Isasara rin ang inner most lane ng Elliptical Road at ilalaan ito bilang designated parking areas sa mga dadalo.
Maaari ring gamitin ang loob ng Quezon City Hall compound para mag-park ng mga sasakyan.
Magpapatupad naman ng libreng sakay ang LGU gamit ang QCity Bus para sa mga papunta sa Quezon Memorial Circle at pauwi sa kanilang bahay.
Narito ang mga ruta ng Q City Bus para bukas;
Route 1: Quezon City Hall (Kalayaan Ave.) – Cubao
Route 2: Quezon City Hall (NHA)- IBP/Litex
Route 4: Quezon City Hall (NHA) – General Luis
Route 5: Quezon City Hall (NHA) – Mindanao Ave. via Visayas Ave.
Route 6: Quezon City Hall (NHA) – Gilmore Ave.
Route 7: Quezon City Hall (NHA) – C5 / Ortigas Ave. Extension at
Route 8: Quezon City Hall (NHA) – Muñoz
Para ganap na maserbisyuhan at alalayan ang mga dadalo sa aktibidad, pinalawig pa ang operasyon ng libreng sakay hanggang alas-12:00 ng madaling araw ng Lunes, Hulyo 1, 2024. | ulat ni Rey Ferrer