Tatanggap na ng aplikasyon ang Quezon City Government para sa Pangkabuhayang QC Phase 4 Batch 2 program, simula Hunyo 14 hanggang 30, 2024.
Paalala ng lokal na pamahalaan, ito ay para lamang sa mga residente ng lungsod na hindi pa nagiging benepisyaryo ng Pangkabuhayang QC.
Sa ilalim ng programa, magbibigay ng livelihood assistance ang LGU sa mga kuwalipikadong indibidwal mula P10,000 hanggang P20,000.
Gagamitin nila itong puhunan para makapagsimula sa kanilang micro and small businesses.
Benepisyaryo ng programa ang mga nawalan ng trabaho, mga kawani na hindi sapat ang kinikita, micro-entrepreneurs, vendors, persons with disabilities, overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho, solo parents at indigent residents ng lungsod. | ulat ni Rey Ferrer