Tinuran ngayon ni Albay Rep. Edcel Lagman na magreresulta ang pagsasabatas ng Divorce Bill sa mas magandang ranggo ng Pilipinas sa Global Gender Gap Report.
Ayon sa pangunahing author ng panukala, ang pro-woman bill ay pupunan ang gender gap at makatutulong sa pagkamit ng gender parity.
Mabibigyan kasi aniya ng pagkakataon ang mga inabusong mga asawa na makalaya at makamtan muli ang self-respect maliban pa sa masisiguro ang pagkakaroon ng suporta mula sa offending party at makuha ang kustodiya ng kanilang anak.
Tinukoy ni Lagman na nang ilunsad ang Global Gender Gap Report noong 2006, pumang anim ang Pilipinas.
Ngunit sa pinakahuling report ay nasa pang dalawamput lima na tayo mula sa isang daan ang apatnapu’t anim na bansa.| ulat ni Kathleen Forbes