Nakaalerto ang Regional Disaster Risk Reduction Management 6 kasunod ng pagpaputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros.
Ayon sa RDRRMC-6, patuloy ang kanilang koordinasyon sa member agencies ng RDRRMC, PDRRMO-Negros Occidental at lahat ng Local DRRMOs sa probinsya.
Naka-standby na rin ang Tactical Operations Group 6 ng Philippine Airforce sa oras na kakailanganin ng air assets para sa pagresponde sa lugar.
Nakahanda na rin ang mga food at non-food items ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga apektadong residente.
Inaabisuhan ng RDRRMC-6 ang lahat na maging mapagmatyag at makinig sa advisories ng kinauukulan para sa kanilang kaligtasan. | ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo